Tuesday, July 17, 2007

Ang problemang di natin napapansin

Hindi ba't tayong mga Pilipino ay likas na matulungin at mapagmahal?
Bakit sa mga nakikita ko, marami paring nangangailangan ng tulong sa ating bansa.
Di naman sa nagiging medyo nasyonalista ako, pero ito ang totoo. Ang mga taong may kapasidad na tumulong ay hindi umiimik, habang ang mga taong siyang hirap sa buhay at nangangailangan ng tulong ang siyang nagbibigay ng tulong hanggang sa kanyang makakaya.

Tayong mga Pilipino ay maingat sa ating mga tradisyon. Kaya nga ang mga taong mas matanda sa ating mga kabataan ng isang generation ang siyang nagpapanatili ng mga tradisyon. Ngunit bakit sadyang nagbabago ang mga Pilipino. Mas pinagtutuunan ng pansin ang paggamit ng Ingles kaysa sa kanilang sariling wika? Ako mismo ay biktima sa ganitong pangyayri. Sabihin na nating medyo akalaing "sosyal" kapag ikaw ay nagsasalita sa Ingles, at ito ay malaking bagay kung ikaw ay papasok sa larangan negosyo, pero bakit sadyang mas pinipili natin itong wikang HIRAM lang natin sa ibang bansa? Sabihin na nating edyo nagiging hypocrito ako o balimbing sa aking pagsulat ng artikulong ito ngunit ito ang ninanais ko.

Simple lang ang nais kong sabihin. Una, ang pagsasalita ng Ingles ay hindi simbolo ng pagiging "Conyo" o ang pagka-sosyal. Ang paggamit ng nasabing wika ay isang paraan lamang upang gumaling sa pagsasalita nito at gamitin ng tama kapag kinakailangan na. Hindi naman nararapat na bigyan natin ng magarbang "accent" ang ating pagsasalita ng Ingles sapagkat di naman tayo parte ng bansa na pinanggalingan ng naturang "accent" na ito. Ang hatol ko sa mga taong nagsasabing "Conyo" ang mga nagsasalita ng Ingles ay: kayo ba, hindi ba kayo nagsasalita paminsan ng Ingles?

Pangalawa, hindi naman sa may galit ako sa mga dayuhang bansa, pero sana naman ay pagtuunan natin ng pansin ang mga bagay na nasa ating bansa tulad ng mga lugar, pagkain, produkto at iba pa. Mainam na sambahin natin ang kagalingan ng ibang bansa paminsan minsan, pero sana mas paunlarin muna natin ang mga bagay na sariling atin. katulad nalang ng pinakabagong produkto ng katalinuhan ng mga Pilipino, ang "E-Jeep" o ang "Electronically powered Jeepney". Isa itong patunay na ninanais nating umunlad ngunit dinadahan dahan natin.

Panghuli, magbigay tiwala naman tayo sa ating mga nahalal na mga pinuno. Sila ang mga taong may kapasida na magbigay ng malaking tulong sa ating bansa. Mainam lamang na tayo ay magbigay tiwala sa kanila upang sa awa ng Diyos ay matauhan ang mga nangungurakot at magtuon ng pansin sa mga mahihirap at nangangailangan sa ating bansa.

Ayan ang aking mga tatlong hatol. Sumulong tayo mga Pilipino at kaya nating abutin ang ating mga pangarap. Tulungan lang iyan, pagtiwala at panalangin sa Diyos ang siyang tutulong satin umangat.

Hanggang sa susunod muli. MABUHAY TAYONG MGA PILIPINO!.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home