Sunday, July 16, 2006

"Bakit ka ba ganyan?"

Ganayan ka ba talaga?
Nagtatago lang sa isang maskara
Ngayon lang nagpakita
At nagpahamak ng iba

Nang simula kitang makilala
Akala ko'y mabait kang talaga
Ngiti at tawa
Ay aking laging nakikita

Ngayo'y hindi na tayo nag-uusap
Ni hindi na tayo nagkikita
Siguro ito ay hanggang pangarap
Nalang natin madarama

Pero, sa mga sandali
Nais muli ktang makita
Upang malaman mo ang iyong pagkakamali
at magbalik sa taong dati kong nakilala

Iniisip mo ba ang iyong mga ginagawa?
Inaalala mo ba ang kalagayan ng iba?
Hindi mo ba alam na nakkasakit ka na.
At higit sa lahat kaibigan ko pa

Alam mo ba ang nararamdaman niya?
palagi nalang malungkot dahil sinaktan mo siya
Nakikinig ka ba?
kung hindi; ang pagsasalita kong 'toy walang kuwenta.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home