Tuesday, July 25, 2006

Araw na ika'y muling napahiya

Nagalit ka at napahiya
Ngayo'y natahimik at malapit nang umiyak
May isang parte sa akin na pilit na sumasaya
Parang nais ko nalang tumawa sa tuwing ika'y unti-unting nabibiyak.

Tinanong mo kasi ang oras
At malas mo at ika'y nahuli
Masyado ka sigurong nagsalita ng malakas
Kaya di na ikaw nakatago at nakakubli

Nakatingin ka pa at parang angas
Nakakatawa talagang makita at ika'y natalo
Kinagat at nalason ng isang masuklam na ahas
Di na nakatayo at nakaganti, uminit na lamang ang ulo

Hay nako ipagpatuloy mo lang yan
ika'y nagsisilbing comedya di lang sa akin kundi para sa kanila
Wag ka na sanang tumahimik para lagi kang madatnan
Tatawagin ng guro, papahiyain a iiyak ka!!!

matagal ko na itong naisulat ngunit di ko lang nailagay agad. Nagyari ito noong hulyo 3, 2006.
para sa taong natamaan, pasensya na. ngunit sa mga oras na iyon ay alam mo na may natatagong galit pa ako sayo.
Kung maaari ay sana kayo'y makapaglagay ng komenta....
Salamat

0 Comments:

Post a Comment

<< Home