Friday, November 12, 2004

Pagkakaibigang nawala.

Mayroon akong isang napakaclose ko, at napaka special sa aking buhay,
Nagtatawanan, nagdadamayan, nag sasabihan ng advise, lahat na.
Kaso may isang namagitan sa aming dalawa,
Lumipat ako ng ibang eskwelahan.

Ngayon, lahat ay nawala na parang bula,
lahat ng kasiyahan, lahat ng damayan, lahat ng mga masasayang araw ay nawala na
Ngayon, ni hindi man makabigay ng kahit onting pansin para sakin, hindi nagrereply sa cellphone kapag tinetext, at laging busy kapag tumatawag.
Nakakainis, parang sinayang ko lang ang lahat ng oras ko diba.
Sayang ang lahat ng alaala naming dalawa.

Kung tutuusin, sana kung ang reason lang ay kalimutan nalang, might as well do the same.

Sa mga taong natatamaan alam niyo na kung cno kayo. at sa mga taong nakakarelate huwag kayong malungkot, malalagpasan niyo rin yan, kausapin nyo lang yung tao, at magsimula kayo ulit.
-nightwing

p.s.: rush entry to, ung mas mahaba at mas maaming emotions nabura eh.

Monday, November 08, 2004

kaibigan lang ba?

May babae ka bang kaibigan?
As in kaibigan na ka close mo?
Palagi ba kayong magkasama?
Kaibigan lang ba ang turing mo sa kanya?
O may mas malalim pa?

Kaya ko to naisip, kasi marami nang mga kaso na nangyayaring ganito
Sa pilipinas man, o sa buong mundo, may ganito.

Mayroon akong isang kwentong katulad din ng stwasyong ito.
Ganito ang simula

Mayroong isang lalaki,
Napunta siya sa isnag co-ed school sa manila.
Siyempre new student lang siya doon,
kaya wala pa siyang masyadong kilala.
So ang lagi niyang kasama ay ang mga new students din ng class niya.
eh di yun, magkasama sila lagi sa school, tapos sa tumagal na panahon yung members ng grupo na yun nagstart nang makisama sa ibang mga tao sa school.
Siyempre naman diba, hindi naman pwedeng lagi nalang yun ang kasama mo, kailangan makisama ka sa lahat.
So, hanggang sa paunti nang paunti ang myembro ng grupo, natira nalang ay apat.
Kahit papaano sila parin ang magkakasama.
Sa apat na iyon, iisa lang ang lalaki! LAhat sila babae!
pero, hindi naman sa bading yung lalaki.
Wala lang talaga siyang makasamang ibang tao na mas nakakaintindi sa kanya, kundi sila.

Nang magal ang kanilang pagsasama, may naramdamang kakaiba ang lalaki sa isang babae sa grupo.
Napa- ibig nan pala siya sa babae, at gagawin niya ang kahit ano para lang mahalin siya.
And so, nang malaman ng babae ang nangyayari, nagalit siya, at tumagal hinid na niya masyadong pinapansin ang lalaki.
At matapos ang mahigit dalawang buwan, bumalik din ang pagkakaibigan nilang dalawa.


O ano, sa maga nakakarelate dito sa storry na to, sana huwag na kayong malungkot kasi hindi pa namanito katapusan ng mundo eh. kaya wag kang magpakabaliw ngayon kung sad ka. mayoong mga tao diyan na pwede mong kausapin tungkol sa mga bagay na ganyan. Kaya huwag kang susuko kayanin mo ang buhay
-Nightwing

Saturday, November 06, 2004

the feelings of a stranger

Naisipan mo na bang magpakamatay?
Kahit, onti lang?

ako?
wag mo nang isipin pa, halos dalawang beses ko na tong muntik na gawin
dami kasing problema sa buhay ko ngayon eh.
meron sa pag-ibig, sa pamilya, sa school, sa studies, at syempre sa grades
hindi ko na talaga kaya, bawat secundong lumulipas lalong sumasakit ang kirot ng puso ko
Hindi naman sa may heart attack ako noh
pero pakiramadam ko. ang pusi ko ay nakabalot sa isang cage at hindi nito mailabas ang totoo niyang nararamdaman.
nakakalungkot talaga ang buhay ko
makalipas ang mga araw puro iyak ang ginagawa ko
isipin niyo naman, araw araw, puro kahirapan at kaguluhan ang bumabalot sakin.
Kaya ko naisipang magpakamatay
hindi ko na kasi mapigil ang sarili ko
inisip ko na kapag ginawa ko yun lahat ng problema ko ay malulutas na
parang yung belief ng mga hindu na kapag nagpakamatay ka, okay lang kasi mabubuhay ka naman uli.
nang mga oras na iyon na akoy muntik nang magpakamatay, ang kagalitan at kalungkutana ang pumilit saking gawin.
nang dahil sa mababang grado sa aking pag-aaral
pinulot ko ang isang patalim, nagisip ng mabuti, tinutok sa aking dibdib....at!... pinigilan ako
nakonsensya rin naman ako
masaya naman kasi mabuhay eh
sabi nga nila life on earth is only temporary, but life in heaven is everlasting. oh diba, ako lang gumawa nun.

so sa mga taong nakabasa nito, magisip-isip muna kayo bago kayo magpakamatay kasi sinasayang niyo lang ang oportunity ninyo.
parang lang itong isang game
na ibat ibang bagay ang kelangan mong gawin para makamtam ang iyong prize....which is?
ETERNAL LIFE


So ngayon sana nakatulong ako sa mga taong naguguluhan kung magpapakamatay sila o hindi
basta tandaan ninyo, lahat ng pahirap sa atin ngayon, ay pasubok lamang ng diyos, hindi siya gagawa ng pagsubok na hindi natin kaya. diba nga lahat ng mga problema ay may mga solusyon.
kaya, magbago nalang kayo, magpakitang gilas, tumayo at gumawa ng mabuti.
IMBIS NA MAGPAKAMATAY!

Mga nais kong pasalamatan:
Mommy, daddy, ate, ms. pangan, leo banares, jadd dealino, at sa lahat ng tumulong sakin para maging ako ngayon maraming salamat sa inyong lahat.